Saturday, April 24, 2010
...B L A G !
‘twas the usual hot and lazy afternoon – ginising ako ng pagbubunganga ng nanay ko kay Kobe (my nephew), bumangon ako para pagsabihan ko ang batang makulit coz naha-highblood na naman si mommy, that was Thursday, April 8m around 2:30 – excited pa naman ako coz the next day e 1st month ko na sa training, yeyssssss! monthsary na namin ni accenture. After kong pakiusapan na magpaka-good boy ang ‘super hero ng mga bata’ aka Kobe, I went back to bed coz its too early and I’m kind of sleepy pa.
I’m expecting my period that day coz I’m already experiencing a mild leg cramps, so tinaas ko ang mala-olive oyl legs ko against the wall and then after a while I felt a sudden pain sa may puson na I can’t explain kung gaano kasakit, naiyak ako sa sobrang sakit na konting galaw ko lang o kahit na mismo yung paghikbi ko e nakakadagdag ng sakit – gusto kong sumigaw para humingi ng saklolo – anong magagawa ko? I can’t even move.
So, pinilit kong bumangon, but because of the pain, di ako makatayo ng straight. Nanginginig ako at pinagpapawisan ng malamig, natakot ako – parang…parang…BLAG !
I passed out
Nag-faint
Hinimatay
Nihimatay (ayon sa mga batang bulol)
Nawalan ng ulirat
Waley ang aking maley
‘Diyos ko! Bakit ko nararanasan ang ganitong sakit? Mabait naman akong tao ah.’ yun lang ang nasabi ko nung magbalik na ang ninakaw kong ulirat, pero the pain’s still there na ubod pa rin ng sakit – nagdasal ako paulit-ulit pero masakit pa rin e, hindi ko ulet napaglabanan…
BLAG !
Nagising na naman ako at unti unting….
BLAG !
Pambihira, ano bang meron sa’kin at naakit ng bonggang-bongga itong BLAG ! na ‘to sa’kin? Ampotek! Umiimbestigador e, ayaw akong tantanan.
Nakabaluktot at sapo ko ang puson ko, nakalabas ako ng kuwarto – I saw Kobe and 4-year old Yuan (isa ko pang pamangkin) playing in the living room, I waved my hand to get their attention, nakita ako ni Yuan – sabi ko ‘ tawagin mo mama mo…’ I dunno if they heared it or what.
My sister and her husband came and asked me kung anong nararamdaman ko – sabi ko ‘tawagin nyo si mommy, ang puson ko ang sakettttttt….’
Tapos sabi ng bayaw ko, ‘Jennet, lagyan mo ng katinko yung t’yan nya.’
Ampotek, sabi ko sa isip ko, sa isip ko lang naman, ‘aaaahhhhrrr! Hindi magagamot ng katinko ‘tong nararamdaman ko, ano to? Insect bite? Kabag???
Dumating na ang Dona Jovita mula sa pagto-tong-its. Medyo alam na ng nanay ko ang nangyayari sa’kin kasi she asked me kung may period daw ako, hindi ko lang masabi na ume-exclamation point pa ‘my sa sobrang saket. Nilagyan nya ng ice bag ang puson ko, pero naitapon ko yun dahil sa sobrang pain e, nasuka ako ng bonggang-bongga – nagsama-sama na lahat, suka, luha, sipon at pawis.
I told mommy na gusto kong mag-poopoo, so she helped me to the toilet – kasama ko mommy ko at yakap-yakap ko sya sa loob ng toilet.
Ganun ako eh – pag hindi maganda ang pakiramdam ko or everytime na may lagnat ako, I want mommy to be by my side, hinihilot-hilot.
As I was saying kanina, about poopoo – aysos! Ayaw lumabas ng poop ko pero feeling ko gusto na n’yang kumawala at pati na rin yung neighborhood ng labasan ng poop gusto na rin magbuhos ng bloody mary, but I dunno kung bakit hindi makalabas feeling ko parang naka-mighty bond na ‘ata kaya hindi makawala ang mga gustong lumabas.
Latang-lata na yayat at manipis kong katawan, umiiyak na’ko sa sobrang takot kasi ngayon ko lang naranasan ang ganong klaseng dysmenorrhea – feeling ko tuloy kukunin na ‘ko ni Lord that time kaya ayokong alisin ang mga kamay ko sa pagkakayakap sa nanay ko, I wanna tell her that I love her so much pero nagdalawang-isip ako kasi baka mag-freak out at isipin n’yang nagpapaalam na’ko sa kanya – nakupow ! baka s’ya naman ang himatayin sa sobrang takot – e daddy left us lang nitong January.
So I was rushed to nearest hospital – pinainom ng pain reliever and did urine and blood test. I was under observation, every now and then the nurses and the doctor asked me kung anong nararamdaman ko – sabi ko andun pa rin yung pain, at first ayaw pumayag ng doctor na i-admit ako sa hospital nila kasi baka daw may kinalaman ang appendectomy that I had 5 years ago sa pananakit ng puson ko. But when she checked me again, yung abdomen ko specifically – andun pa rin yung pain pero hindi na ko napapa-aray katulad dun sa una nyang pag-check sa’kin nung diniin-diinan nya yung abdomen ko.
Tapos naawa ako sa nanay ko kasi na-high blood sya, maybe sa pagod at sa nerbyos – one of the nurses checked her BP, at ang taas, tapos nakita ko na lang magkatabi na kami ng kama sa ER. Umokey naman agad si mommy.
Pambihira yang skin test na ‘yan, sobrang sakit!
Naramdaman ko rin ang paggapang ng antibiotic sa ugat ko na pinadaan sa dextrose.
Nakakatawa kasi sa male ward ako nilagay – siguro occupied na yung female ward – wala naman akong menthol na kasama kundi isang batang babae lang na ubod ng arte.
They scheduled me for some series of test para malaman kung bakit ako nagdi-dysmenorrhea kasi I don’t have this naman before, last year ko lang ito naranasan, at yung passed out e ngayon lang naman. I don’t wanna remember that ultrasound anymore, napakasaklap ng karanasan ko d’yan.
My new friends visited me sa hospital after their work, sina Doyeth, Kara, Cha, EJ, Candice and Pyjah – tapos they told me na miss na miss na daw ako ng buong wave 13 kasi nabawasan daw ng makulet sa graveyard. Some texted me rin. I was really touched kasi last time na na-confine ako walang friends ko ang dumalaw sa’kin, sabagay they dunno anything naman about it.
And the ultrasound result says that I have hormonal imbalance,
polycystic in my left ovary and endometriotic focus in the right.
I asked the doctor agad kung ooperahan ba ako, pro hindi naman daw – she prescribed some medications na magtutunaw ng cyst.
Haiiiiiizzz! Thanks Papa Jesus !
And now, I’m fine na naman – I’m under medication and that prolly the culprit why I’m always sleepy, masandal lang ako tulog, makakita lang ng unan – tulog!
And right this very moment while doing this…….BLAG !
ZzzzzzzzZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzz ! NgoooorrrRRRrrrrKKKkkkkk !
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment