Thursday, May 6, 2010

Julieto ang itawag mo sa’kin

So I went to my OB-Gyne a couples of weeks ago, sort of second opinion from a specialist, coz obviously ob-gyne’s specializing for women – its not that na wala akong tiwala dun sa mga doctors na nag-attend sa’kin sa hospital – the reason kung bakit ako dinala dun coz emergency ang case ko, kailangan akong mabigyan ng karampatang lunas at atensyon (ampotek! Pamatay sa lalim ng tagalong yun ah) sa kadahilanang (www.missbrownsugar1002.blogspot.com/2010/04/b-l-g.html).

I showed her my ultrasound results, and she told me na maliit lang naman daw ang polycystic and there’s no operation needed, and for the second time, nakahinga ako ng maluwag kasi dalawang doctor na ang nagsabi sa’kin nun, my gawd! Ayoko nang maoperahan ulet, josko! Napakahir
ap kaya and soooo expensive noh!

Infertility daw ang isa sa pwedeng maging cause ng polycystic – parang I heard thunders sa tenga ko, natakot ako! Pwede akong mabaog?

I want to have kids of my own, sana naman hindi mangyari na mabaog nga ako, kung sakali man – ako ang sisira sa malaking lahi ng nanay ko, if ever ako ang una sa angkan naming na maging baog.

All my life, halos lahat ng 13 kong pamangkin, naalagaan ko at minahal ko pero ako, malaki ang possibility na di ako mabigyan ng chance na maalagaan ang sarili kong (mga) anak, magawaan sila ng baby scrapbooks nila wherein I can put their hand and foot print, their umbilical cord – to write the most important event sa buhay nila like, yung first word nila, their first steps…

I won’t be able to attend their first graduation, their first communion at kung anu-ano pang important events sa buhay nila.

Nalulungkot ako.
Talaga.
Well I just hope and pray na hindi mangyari ang mga kinatatakutan ko.

Kawawa naman ako – napa-pressure na nga ako sa mga tanong ng relatives ko kung kelan daw sila ‘makakahigop ng sabaw’ lagi ko naman silang sinasagot ng pabiro na ‘ yaan nyo, bukas na bukas din e magsisigang ang nanay ko’ – tapos kung magka-asawa na ‘ko, i-pressure naman ako sa pagkakaroon ng baby. Kahit pabiro ang mga yun, nasasaktan din naman ako.

Let’s go back sa usapan naming ni Dra. Tan -
She told me rin na i-stop ko na yung mga unang medications na binigay sa’kin ng doctor, although gamot nga yun para sa polycystic and endometriosis – what I need daw kasi is pills – contraceptive pills that is.

This will help din daw na maalis ang matinding pain during my period. Under observation daw tong pills na to kung okay para sa’kin, but if not may ibibigay daw syang ibang pills, hmmm? I forgot na yung name nung pills e, and she mentioned na may side effects daw yun, like mejo magboboses lalake daw ako at magkaka-pimples daw ako. Oh me gawd!!!!!

Ako???!!!
Boses lalake???!!!!

Pambihira! I told her nga na, ano ba yan dra., mukha na nga akong lalake e magboboses lalake pa’ko at may tigyawat pa!

Pinagdarasal ko na sana, umokey na sakin ‘tong micropil na ‘to para walang hassle, ampotek! ‘yokong magboses lalake at tubuan ng sandamakmak na tigyawat! Hindi na nga ako kagandahan e, papapangitin pa ko ng bonggang-bongga. Napakalupet mo mundo!!!!!!

If ever, ano ang pangalan ko?

Julieto ?


Pangit pa rin, Julius kaya?

But I think Roberto is much better, ahaha!
Yan ang tawag sa’kin ng mga malalapit kong f
riend – lalu na ang casdolls.
In case you wanna know, and I will tell naman the story behind that name - one time I wore a yellow blouse with letter R in the office, my close friend Joy asked me kung ano daw ang ibig sabihin ng R? I told her na yun ang initial ng real name ko, sabi nya ano daw ba ang tunay kong pangalan, bigla ko na lang naibulalas na “ROBERTO !” – at nagtawanan silang lahat. Pero sabi ng boys naming, dapat daw Robin kasi kamukha ko daw si Robin Padilla coz of my hair na layered at may bangs, e yun ang style ng hair ni Binoe during that time sa teleserye nila ni Angel Locsin sa siete na nakalimutan ko na ang title.

On second thought, ‘yaan mo nang magboses lalake ako at tubuan ng pimples, what’s important is gumaling at mawala ang scrutiating menstrual pain at ‘tong mga nasa ovary ko, at maging healthy ako.




No comments:

Post a Comment